Sa Aking Mga Kabata

Sa Aking Mga Kabata(Dr. Jose P. Rizal)
Kung ikaw ay isang tapat at tunay na Pilipino ano ang tungkulin mo? Pinahahalagahan mo ba ang iyong sariling wika? O di kaya ikaw ay nagpabaya. Masasabi mo bang karapat-dapat kang tawaging Pilipino? Sa tulang ito maisasalarawan ang kahalagahan ng pagmamahal sa sariling wika.
Ang tulang ito ang tumatak sa puso at isip ng bawat kabataan at mamamayan ng Pilipinas. Ito ay sinulat ng isa sa tanyag na bayani ng ating bansa si Dr. Jose Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda o mas kilala bilang si Dr. Jose P. Rizal. Ito ay nabuo sa panahon ng pananakop ng Espanya kung saan isa sa nagpamulat sa mga Pilipino upang lumaban at upang makamtan ang kalayaan at pag-asa.Ang tulang ito ay tumatalakay sa pagmamahal sa sariling atin lalong-lalo na sa aspeto nang wika o lingwahe na biyaya ng Poong Maykapal.
Ang unang taludturan ng tulang ito na gustong ipahiwatig ni Dr. Jose Rizal ay ang pagmamahal sa sarili nating wika. Dahil ito ay biyaya ng Poong Maykapal at dapat nating ipagpasalamat na isa ang bansang Pilipinas na mayroong mayaman na kultura at wika na siya ring susi upang makamtan ang minimithi na kalayaan. Gaya na lamang sa isang ibon, inilalarawan ni Rizal na kung tayo ay isang nilalang na Malaya makakamit natin at maabot ang ating mga minimithi sa buhay, makakapunta tayo sa kung saan natin gusto, at magagawa natin ang mga bagay na siyang magbibigay buhay at magpapasaya sa atin, ngunit kung tayo ay magiging alipin at hindi marunong tumayo sa ating paninindigan hindi natin makakamtan ang minimithi na kalayaan na siyang ating inaasam.

Pagkat ang salita’y isang kahatulan sa bayan sa nayo’t mga kaharian,at ang isang tao’y katulad kabagay ng alin mang likha noong kalayaan. Ang mga salitang ito ang nagpapahiwatig lamang na kapag ang isang bansa ay buong pusong nagmamahal sa sariling wika ay naghahangad ng kalayaan. Ang Pilipino na may pagmamahal sa sariling wika ay siyang lalaban para sa minimithi na kalayaan dahil tanging ang sariling atin lamang ang magliligtas at aakay sa atin sa ating hinahangad na makamtan. Katulad lamang sa isang ibon kung saan lumulipad ng napaka tayog at napaka- taas dahil sa malawak na liliparan dahil sa kanyang kalayaan. Maiihahalintulad natin ang ating buhay sa isang ibon kung tayo ay magiging Malaya, walang limitasyon at walang hangganan an gating liliparin o tatahakin.

Ang nasa ikatlong taludturan sa tulang ito ay naglalaman ng mga salitang “ang hindi magmahal sa kanyang salita mahigit sa hayop at malansang isda, kaya ang marapat pagyamaning kusa na tulad sa inang tunay na nagpala” ang taludturang ito ay nagpapahiwatig ng pagpapahalaga sa sa sariling wika. Hindi linggid sa ating kalaman na karaniwang sa mga taong naka punta sa ibang bansa kinakalimutan na ang sarili nating wika sa kadahilanang, nasanay sila sa wika ng bansa na kanilang pinuntahan at tinirhan.Gaya na lamang ng mga taong pumupunta , naninirahan o nagtratrabaho sa ibang bansa, na kung saan kinakalimutan na lamang ang ating sariling wika. Inihahalintulad ito ni Rizal sa isang malansang isda. Dapat nating pahalagahan at pagyamanin ang sariling atin dahil ang wika natin ang isa sa napakahalagang pag-aari nang ating bansa at kultura.

Nakaka-mangha ang kakayahan ni Rizal dahil ang tulang ito ay naisulat niya noong siya ay nasa walong taong gulang pa lamang. Isa ang tulang ito na maglalarawan sa pagmamahal ni Rizal sa sarili nating wika. Ngunit hindi natin maipagkakaila na tayo ay nahuhumaling na bumigkas sa ibang lengwahe katulad na lamang sa Ingles. Noong unang panahon ang Pilipino ay pinababawalang gumamit ng wikang tagalong, sa panahon ng mga pananakop ng iba’t-ibang bansa. Ngunit masakit man isipin na tayo ay nagpa-alipin dapat din nating ibangon at pahalagahan ang wika natin dahil ito ang isang sangkap sa kalayaang hinahangad.

At ang pang huling taludturan sa tulang ito ay tumutukoy sa pagkamapalad ng ating bansa, sapagkat taayo ay biniyaya-an ng wika na dapat nating pagyamanin,huwag ikahiya, ipagmalaki sa iba at higit sa lahat ipagpasalamat sa Diyos dahil siya ang nag gawad at nagbigay sa atin.

Nakakamangha ang talino at talento na ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Isa sa pinaka yaman ng Pilipinas ay ang sarili nating wika o mga dayalekto ng bawat tribu, isa ang Pilipinas sa mga bansang mayroong napaka raming lengwahe.Hindi rin natin ,maipagkakaila na ang Pilipino ay may malawak na kaalam sa ibat-ibang lengwahe hindi lamang dito sa ating bansa kundi pati narin sa wika ng ibang bansa.